Wagi ang 19 yrs.old na si Carlos Edriel Yulo bilang kauna-unahang pilipinong gymnast na nasungkit ang gold medal sa Fig Artistic Gymnastics World Championships.
Nakakuha ng iskor si Yulo ng 15.300 sa men’s floor exercise final, 8.800 sa execution at 6.500 sa difficulty dahilan para mapatumba nito ang mga kalaban na sina Artem Dolgopyat ng Israel at Xiao Ruoteng ng China.
Dahil sa tagumpay ni Yulo, lumakas din ang kanyang reputasyon bilang paboritong magwagi sa Southeast Asian Games.
Pangalawa na si Yulo na Pilipinong atleta na nagkamit ng puwesto sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Matatandaan na una nang nakapasok sa olimpiyada ang pole vaulter na si EJ Obiena noong nakalipas na buwan.
Facebook Comments