KAUNA-UNAHANG QRPH-READY AGRI-TERMINAL SA BANSA

CAUAYAN CITY – Bilang bahagi ng tatlong taong Food Logistics Action Plan ng Department of Trade and Industry (DTI), inilunsad ang QRPh onboarding session sa Bayombong, Nueva Vizcaya, sa pakikipagtulungan ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal, Inc. (NVAT).

Ang hakbang na ito ay layuning mapaunlad at mapabuti ang mga agricultural supply chains sa terminal gamit ang digital payments.

Sa pamamagitan ng QRPh system, ipinakilala ang mga bagong transaksyon tulad ng pagbabayad sa paradahan at upa, na magbibigay daan para sa mas mabilis, mas ligtas, at mas mahusay na mga transaksyon.


Ang inisyatibang ito ay sinalihan ng 100 katao, kabilang ang mga magsasaka, traders, truckers, disposers, at cooperatives.

Ayon kay Provincial Director Atty. Michael B. Paggabao ng DTI R2 Nueva Vizcaya, tinalakay niya ang mga benepisyong hatid ng digital payments at tinitiyak na handa ang ahensya ng DTI na magbigay ng suporta sa organisasyon.

Kasama rin sa programa ang mga partner sa digital payments tulad ng Maya, GCash, Landbank, at Western Union na nagbigay ng overview ng kanilang serbisyo, na nakatuon sa pagpapalaganap ng cashless payments sa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments