Kauna-unahang report ni Pangulong Duterte hinggil sa Bayanihan 2, isusumite sa Kongreso sa Oktubre 5

Photo Courtesy: Presidential Communications Operations Office

Isusumite ng Malacañang sa Kongreso ang kauna-unahan nitong report sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) sa Lunes, Oktubre 5, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isasapubliko rin ng Malacañang ang report kung saan makikita ang pinagkakagastusan ng pamahalaan sa pondong nakapaloob sa Bayanihan 2.

Kabilang dito ang ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) at recovery program ng gobyerno para sa mga sektor na naapektuhan ng pandemya.


Nabatid na kada Lunes, nagsusumite si Pangulong Duterte sa Kongreso ng kanyang report ukol sa naging gastos ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 sa nakalipas na Bayanihan 1.

Facebook Comments