Idaraos ang kauna-unahang National Shari’ah Summit sa Cagayan de Oro sa March 5 at 6, 2023.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Supreme Court Associate Justice Japar Dimaampao, ang pangalawang muslim na naluklok bilang isang hukom sa Korte Suprema, itinuturing nilang makasaysayan ang idaraos na Shari’ah Summit dahil sa nakalipas na mahigit apatnaput limang taon ay ngayon lang mabibigyan ng public awareness ang Shari’ah legal system sa bansa.
May tema ang 1st National Shari’ah Summit na “Forging the Role of Shari’ah in the National Legal Framework” na dadaluhan ng Shari’ah judges, mga miyembro ng academe, at foreign delegates mula sa mga bansang nagpapatupad ng Shari’ah laws.
Nauna nang inilunsad noong nakaraang taon ang Strategic Plan for Judicial Innovations o SPJI, na ang layong mapalakas ang Shari’ah justice na para sa mga kapatid nating muslim sa bansa.
Ilan sa mga paksang tatalakayin sa summit ay ang pag-rebisa ng special rules at maging ang mga proseso ng Shari’ah legal system na hindi pa nababago simula noong 1983.
“Yung SPJI… it has a four guiding principles… the third guiding principles, pertains to equal and inclusive justice.. these well achieved the target outcome and we call that access to justice, yun po ang basis ng summit na ito, it well a strengthen the conditions of Shari’ah justice in our country…” – ayon kay Dimaampao.
Naniniwala naman si dimaampao, na maganda ang magiging kalalabasan ng pagpupulong, na layong makamit ang pambansang pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.
“the holding of the summit should that our christian brothers and sisters be aware of these involving doctrines in Shari’ah… and this necessary achieves the national unity and development…” – sabi ni Dimaampao.
Pangungunahan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang unang araw ng summit sa Marso 5.