Kauna-unahang Sports Summit sa Lungsod ng Cauayan, Isinagawa!

20

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naisagawa kahapon ang kauna-unahang Sports Summit sa Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Bernard Dy.

Dinaluhan ito ng mga staff ng Schools Division Office ng Cauayan, mga pribadong sector o stakeholders, at mga opisyal ng Lungsod ng Cauayan.


Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Dy, kanyang hinihikayat ang publiko na makiisa sa nalalapit na pagdaraos ng Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA 2020.

Kanyang inihalimbawa ang mga tindera ng anumang pagkain na malaki ang kanilang ambag para sa mas mabuti at produktibong pagdaraos ng mga sports event sa Lungsod.

Magiging katuwang umano ng Pamahalaang lokal ng Cauayan para sa CAVRAA 2020 ang mga stakeholders at iba pang pribadong kumpanya.

Bilang bahagi ng Sports Summit ay ininspeksyon rin ng mga stakeholder sa pangunguna ni Mayor Dy ang kasalukuyang ginagawa na Sports Complex sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Facebook Comments

From Advertisers