TINGNAN: Libreng sakay, handog ng Angkas sa mga apektadong pasahero ng LRT-2

96
Photo: Angkas Facebook

Nagbigay ng libreng sakay ang Angkas motorcycle ride, sa mga apektadong pasahero ng LRT-2 simula ngayong Martes.

Sa facebook post ng Angkas, ibinahagi nito ang libreng sakay mula Recto hanggang Santolan at Santolan pabalik ng Recto.


Makikita rin ang mga larawan ng mga pasaherong nakatanggap ng free ride mula sa kanila.

Ito ay matapos magkaaberya at pansamantalang sinuspende ang LRT-2 dahil sa nangyari nito lamang nakaraang Linggo.

Sa inilabas na pahayag ng Angkas, mapapatagal raw ang pagsasagawa nito sa apektadong lugar na mayroon pang kalakip na promos.

Ayon pa sa kanila, ang libreng sakay ay magagamit mula Martes hanggang Huwebes, alas-osto ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi at mula alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi para sa mga pasaherong manggagaling ng Santolan Station papuntang Recto at balikan.

Maaalalang una nang nagbigay ng libreng sakay ng bus ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga komyuter ng LRT-2, mula Santolan papuntang Cubao matapos mangyari ang insidente sa naturang linya ng tren.

Facebook Comments

From Advertisers