Dahil sa natanggap na intelligence report ng awtoridad na mayroon umanong taniman ng Marijuana sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Labrador ay agad na nagsagawa ng operasyon ang PNP Pangasinan Drug Enforcement Unit, RID PRO1, SWAT Pangasinan PPO, PIU, 1st PMFC, PDEA Pangasinan at Labrador PS nito lamang ika-14 ng Abril at dito na rin inilunsad ang OPLAN Gapas ng PNP Pangasinan.
Nang makumpirma na positibong may tanim na marijuana sa liblib na bahagi ng Brgy. Tobuan, sa nasabing bayan ay dito na tumambad ang nasa 140 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng nasa P28, 000 kabilang na ang dalawang katao na naaktuhang nasa lugar at itinuturing din ang mga na nagtanim sa naturang bawal na halaman.
Ang nadiskubreng taniman na ito ay may sukat na 500 meters kung saan maingat itong binabantayan at inaalagaan ng dalawang suspek na pawang mga residente ng Benguet.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kahapon kay Lt. Col. Resty Santos, Deputy for Operations sa isang inagurasyon, ay agad binunot at kinuhanan ng larawan ang mga ito upang magawan ng report at sa tulong ng PDEA Pangasinan ay agad na sinunog ang mga ito.
Ayon pa sa kanya, ito umano ang kauna-unahang may nadiskubreng ganitong itinanim sa probinsya at hindi umano sila lubos na makapaniwala na may nagtatanim na rin umano ng ganito sa probinsya.
Sa ngayon, inihahanda na ang kasong Violation of Sec. 16 Article. II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 na kakaharapin ng dalawang suspek.
Pinasalamatan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III ang naging maagap na aksyon ng kapulisan sa naturang taniman ng nasabing ipinagbabawal ng halaman sa probinsya.

Facebook Comments