BENTE-OTSO ANYOS NA LALAKI SA MANGALDAN, PATAY SA PAMAMARIL

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na pamamaril sa isang bente otso anyos na lalaki sa bayan ng Mangaldan.
Ang biktima ay nakilalang si Mike Padilla residente ng Brgy. Bateng sa nasabing bayan.
Naganap ang pamamaril pasado alas tres ng umaga sa Barangay Bari sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na bago ang insidente ay napansin na palakad lakad ang biktima sa kalsada sa nasabing Barangay na tila balisa at hindi mapakali.
Walang ano ano ay nakarinig ang mga taga doon ng tila komusyon na sinundan ng mga putok ng baril.
Makalipas ang ilang sandali ay nakita na ang biktima na nakahandusay sa kalsada at naliligo sa sariling dugo.
Facebook Comments