Kauna-unahang training at testing center para sa ships catering service ng TESDA, pormal nang binuksan

Binuksan na ngayong araw ang kauna-unahang training at testing center ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa Ships Catering Service NC 1.

Kasabay nito, isinagawa naman ang kauna-unahang assessment para sa Ships Catering Services ng 10 Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapiña, tanging ang TESDA-National Capital Region (NCR) pa lang ang meron nito sa lahat 181 training centers ahensya sa buong bansa.


Aniya, libre lang ito para sa OFWs na nais kumuha nito sa TESDA.

Pero nilinaw niya na pwede naman itong kunin sa susunod na panahon sa private skills development institution, subalit ay may bayad ito.

Kaya naman hinikayat niya ang publiko na gusto magtrabaho sa barko o abroad na samantalahin ang ibinibigay na serbisyo ng ahensya kaugnay sa skills development.

Facebook Comments