KAUNA-UNAHANG WALK-IN COLD ROOM NA GAGAMITIN PARA SA MGA BAKUNA, NATANGGAP NA NG PANGASINAN

NATANGGAP na ng Pangasinan ang kauna-unahang walk-in cold room nito na maaring pag imbakan ng mga bakuna.
Kasalukuyang nakalagay ito sa Pangasinan Provibcial Hospital sa lungsod ng San Carlos na mangangalaga sa naturang kagamitan.
Ayon sa Ilocos Center for Health-Developmeng 1, kaya nitong mag-imbak ng bakunang aabot sa 4, 920 liters.

Layunin nito na masigurong tuloy-tulot ay ma-implimenra ang vaccine cold chain management ng probinsiya sa mga bakuna gaya ng covid-19 vaccines at Routine Immunization Vaccines
Ito ay donasyon mula sa United Childrens Fund o UNICEF upang mapaigting ang immunity ng mga residente sa covid 19 at iba pang Vaccine Preventable na sakit.
Facebook Comments