Tututok sa implementasyon ng boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga open area gagawin ng mga LGU ayon sa Malacañang

86

Mga lokal na pamahalaan ang responsable ngayon sa pagtukoy kung nasusunod ang ilang restrictions sa pagpapatupad na nang boluntaryong face mask sa mga open area sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa briefing sa Malacañang.

Aniya ang mga local government unit (LGU) ang magbibigay ng standard kapag sinabing good ventilation sa isang open area.


Sinabi pa ni Angeles na ngayong boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa mga open area ay oobserbahan nila ang magiging resulta ng implementasyon nito para makapagdesisyon kung tuluyan na ring ipapatupad ang boluntaryong pagsusuot ng face mask maging sa mga indoor.

Facebook Comments