Posibleng bawiin ang kautusan kaugnay sa opsyonal na pagsusuot ng face mask sa open spaces, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, ito ay kung mapapatunayan na ang boluntaryong pagsusuot ng face mask lamang ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon kasi ay marami pa aniyang dahilan ng pagtaas ng kaso ng virus tulad ng pagdami ng bilang ng mga lumalabas ng bahay, face-to-face classes, at pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna.
Matatandaang nakapagtala ang bansa ng halos 17,900 na bagong kaso ng COVID-19 noong Setyembre 19 hanggang 25, na mas mataas ng 22% kumpara sa nakaraang linggo.
Pero ayon kay Vergeire, ang mahalaga sa ngayon ay mababa pa rin ang bilang ng mga pasyenteng may malubhang kaso ng virus.