DATING MIYEMBRO NG NPA, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

20
Isang 49-anyos na dating miyembro ng New People’s Army (NPA), ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula kay BGen. Mafelino Bazar sa kanyang command visit sa Mountain Province Provincial Office sa Camp Montes, noong Huwebes, Setyembre 22.

Kinilala ni BGen. Bazar, direktor ng Police Regional Office-Cordillera, ang dating kadre ng BHB na si Ka Bastian (hindi niya tunay na pangalan), tubong Barlig.

Ang Barlig ay nagsilbi bilang active Intelligence ng dating East Chico Line Kilusang Larangan Guerilla (ECL KLG) Marco.

Nakalista si Ka Bastian sa No. 68 watchlist ng Philippine National Police’s quarterly Periodic Status Report on Threat Groups (PSRTG) sa Cordillera.

Ayon kay BGen. Bazar, sumuko si Ka Bastian dala ang kanyang M1 Garand rifle na may apat na clip at 13 bala na ibinigay niya sa mga pulis ng Mountain Province. Samantala, inendorso ng kapulisan si Ka Bastian sa Enhanced Comprehensive Livelihood Integrated Program (ECLIP) ng gobyerno upang makapagsimula itong muli at makapamuhay ng normal.

Facebook Comments