Kautusan ng DTI na i-recall ang mga montero sport vehicle units hindi susundin ng Mitsubishi

Manila, Phiulippines – Hindi muna susundin ng Mitsubishi motors ang utos ng Department of Trade and Industry (DTI) na recall ng ilang Montero sport vehicle units nito.

Ayon sa Mitsubishi – walang basehan ang mga alegasyon ng Sudden at Unintended Acceleration (SUA) o biglaang pag-arangkada ng mga montero units.

Ayon kay DTI Undesecretary Teodoro Pascua – hindi pa final at executory ang inilabas na desisyon.


Ipinag-utos na ng DTI ang pag-recall at tigil-benta ng 2010-2015 automatic models ng Montero sport dahil sa nakitang epekto sa disenyo ng pedal na nagiging dahilan ng SUA.

Igiinit naman ng Mitsubishi na hindi ito nakitaan ng technical issues nang magsagawa ng ilang test.

Dahil dito, naghain na ng apela ang Mitsubishi laban sa DTI order.
DZXL558

Facebook Comments