"Na-‘misquoted’ ako ng media" – Sec. Aguirre

Manila, Philippines – Isinisisi ni Justice sec. Vitaliano Aguirre ang media dahil sa pag-‘misquote’ sa kanya tungkol sa pagdawit nito ng mga pangalan ng oposisyon sa Marawi City Siege.

Ayon kay Aguirre – mali ang pagkakaintindi ng mga media sa kanyang ipinakitang litrato ng meeting ng mga oposisyon kabilang si Sen. Antonio Trillanes at Magdalo Rep. Gary Alejano.

Itinanggi ni Aguirre na ang kumakalat ngayon ay ang ipinakita niyang litrato.


Nakatakdang magbigay ng pahayag si Aguirre sa Lunes, Hunyo 12.
DZXL558

Facebook Comments