Kautusang magbibigay ng one-time rice assistance sa mga military and uniformed personnel, inaprubahan ni Pang. Bongbong Marcos

Inisyu ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kautusang magbibigay ng one-time grant ng rice assistance para sa lahat ng military and uniformed personnel (MUP).

Sa bisa ng Administrative Order 26 na nilagdaan ni Marcos noong November 7, bibigyan ng 25 kgs ng bigas ang bawat MUP na aktibo sa serbisyo.

Ayon sa kautusan, bibilhin mula sa mga lokal na magsasaka na kabilang sa Kadiwa ni Ani at Kita o Kadiwa program ng Department of Agriculture ang ibibigay na bigas.


Saklaw ng AO 26 ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail and Management and Penology, Philippine Public Safety College, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.

Inirekomenda ng DA at ng Department of Budget and Management ang paggawad ng one-time rice assistance sa mga MUP upang kilalanin ang kanilang hindi matatawarang ambag sa bansa.

Facebook Comments