Kawalan ng aksyon ng DTI at DA sa pagtaas ng presyo ng bilihin, ikinadismaya ng liderato ng Kamara

Ikinalungkot at ikinadismaya ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kawalan umano ng aksyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa.

Sinabi ito ni Romualdez makaraang lumabas sa pagdinig ng Committee on Trade and Industry na tumaas ng hanggang 200% ang presyo ng mga produkto mula sa farmgate price habang ang gross margin para sa mga supermarket ay 8$% lang.

Magugunitang iniutos ni Romualdez ang pagsasagawa ng pagdinig kasunod ng naging pulong nila ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa mga grocery owners, retailers at agricultural groups sa layuning tugunan ang problema sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Facebook Comments