Aminado ang Department of Health (DOH) na limitadong antiviral drug kontra COVID-19 ang pwedeng angkatin dahil sa kawalan ng bansa ng Indemnification Law.
Kasunod ito ng pag-endorso ng World Health Organization (WHO) sa Paxlovid na isang oral COVID-19 antiviral drug ng Pfizer para sa mga pasyenteng high-risk.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi man makapag-angkat ang bansa ng maraming Paxlovid, maaari naman itong gawin ng mga ospital para gamitin sa mga pasyenteng may mild at moderate case.
Sa kabila nito, iginiit ni Duque na mahalaga pa rin sa ngayon na makumpleto ang primary series ng bakuna at magpa-booster shot na bilang panlaban sa COVID-19.
Ang Paxlovid ay kombinasyon ng Nirmatrelvir at Ritonavir na pinakamahusay upang maagapan ang paglala ng sakit ng mga COVID-19 patients na may mild symptoms.