Mahigit 30 katao, patay sa pagpapasabog ng isang mosque sa Afghanistan

90

Patay ang 33 indibidwal habang sugatan ang 43 iba pa matapos pasabugin ang isang mosque sa northern province ng Kunduz sa Afghanistan.

Ito ay isang araw lamang matapos akuin ng grupong Islamic State ang dalawang magkahiwalay na pag-atake.

Ayon kay Taliban Spokesman Zabihullah Mujahid, kabilang sa mga nasawi ay mga bata na nagdarasal noon sa Mawlavi Sikandar Mosque.


Aniya, kinokondena nila ang pag-atakeng ito at nakikiramay sa mga naulila.

Facebook Comments