Nararanasan pa rin ng ilang residente ang kawalan ng suplay ng tubig at kuryente sa lungsod ng Las Piñas.
Sa abiso ng Maynilad, nagkaroon kasi ng malaking epekto sa kalidad ng raw water mula sa Laguna Lake ang pagsisimula ng tag-ulan kasunod ng matagal na dry spell dala ng El Niño.
Dahil dito, kinakailangan na magsagawa ng adjustments sa treatment plants sa Muntinlupa upang mapanatili ang acceptable water quality standards.
Inaabisuhan naman ang mga apektadong customer sa ilang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Bacoor at Imus na huwag muna inumin o gamiting panluto ang tubig mula sa gripo.
Samantala, naka-deploy na ang mobile water tankers upang mag-deliver ng portable water sa mga apektadong lugar habang mayroon ding available stationary water tanks sa ilang lugar na maaaring pagkunan ng malinis na tubig.