KAWALAN NG PROBABLE CAUSE | Maybahay ng napaslang na pinuno ng Maute group, inabswelto

Manila, Philippines – Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong rebelyon laban sa misis ng isa sa mga napaslang na pinuno ng Maute Group.

Kawalan ng probable cause ang dahilan ng DOJ sa pagbasura sa reklamong inihain ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at AFP-The Judge Advocate General laban kay Najiya Dilangalen Karon-Maute dahil sa kawalan ng probable cause.

Si Najiya ay asawa ni Mohammad Maute na napatay sa pakikipagsagupaan sa tropa ng gobyerno sa Marawi City.


Naaresto si Najiaya noong January 23, 2018 sa Cotabato City.

Nag-ugat ang kaso sa testimonya ng isang Martino Elyana na dinukot sa Padian, Marawi City.

Ayon kay Elyana, nakita niya si Najiya at ang kaniyang asawa na si Mohammad Maute na nagdadala ng pagkain sa mga miyembro ng Maute Group sa Bato Mosque noong Hunyo 2017.

Gayunman, sinabi ng DOJ na ang pagdadala ng pagkain ay hindi maituturing na “overt acts” ng rebelyon.

Facebook Comments