Kawalan ng senate session ngayong araw, hindi lang dahil sa pagdinig ukol sa prangkisa ng ABS-CBN

Asahan ang buong araw na pagdinig ng senate committee on public services ukol sa prangkisa ng ABS-CBN dahil hindi na magsasagawa ng plenary sessions ang Senado.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, 80 percent ng mga Senador ang nakatakdang makibahagi sa pagdinig.

Pero paglilinaw ni Senate President Vicente Sotto III, ang kawalan ng session ngayong araw ay hindi nagpapakita ng espesyal na pagtrato sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso na sa katapusan ng Marso.


Paliwanag ni Sotto, kinansela ang session ngayong araw dahil hindi pa handa ang period of ammendments para sa ibang panukalang nakalatag sa plenaryo.

Diin ni Sotto, pantay-pantay ang pagtrato ng Senado sa lahat ng television network at hindi bukod-tangi ang ABS-CBN.

Samantala, ayon kay Committee Chairperson Senator Grace Poe, bukod sa ABS-CBN ay didinggin din ngayong araw ang anim pang broadcast franchises.

Kinabibilangan ito ng:

– Golden Broadcast Professional Inc.

– Gold Label Broadcasting System Inc.

– Broadcast Enterprises and Affiliated Media Inc.

– First United Broadcasting Corp.

– Crusaders Broadcasting System Inc.

– Bicol Broadcasting System Inc.

Facebook Comments