Kawalan ng Water Treatment Facilities, pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte  

Pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kawalan ng Water Treatment Facilities kung saan ang mga kustomer pa ang nagbabayad para sa pagpapagawa nito.

Sa kanyang talumpati sa maynila kagabi, sinabihan ng pangulo ang mga negosyante na huwag kalimutan ang kalikasan.

Iginiit ng pangulo na prayoridad ang pangangalaga ng kalikasan sa ilalim ng kanyang Administrasyon.


Maliban sa pagsunod sa Environmental Rules at Regulations, dapat makiisa ang mga negosyo sa pagprotekta ng kalikasan.

Hindi naman binanggit ng pangulo kung anong water company ang pinatatamaan nito.

Matatandaang nagdesisyon ang Korte Suprema na patawan ng multang aabot sa 921 Million pesos ang mga Water Concessionaires na Maynilad at Manila Water dahil sa kabiguan nitong maglatag ng Sewer Lines na nagkokonekta sa lahat ng bahay patungo sa Wastewater Treatment Facilities.

Facebook Comments