KAWANI NG KAPITOLYO NA NAHULI SA ILLEGAL NA DROGA, SASAMPAHAN NG KASONG ADMINISTRATIBO; GOV. MAMBA, NAGBABALA

Cauayan City, Isabela- Nagbabala si Cagayan Governor Manuel Mamba sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan na mapapatunayang sangkot sa illegal drugs na matatanggal sa serbisyo.

Kasunod ito ng pagkakaaresto kahapon ng isang 36-anyos na binata, empleyado ng Provincial Government ng Cagayan at residente ng Diversion Road, San Gabriel, Tuguegarao City sa ikinasang drug buy-bust operation ng PNP Tuguegarao at ng PDEA Region 2 sa bahagi ng Diversion Road, San Gabriel, Tuguegarao.

Nabentahan ng suspel ng isang heat sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu” sa operatiba ang nagpanggap na poseur-buyer.


Nakumpiska rin sa suspek ang isang (1) unit ng cellphone at ang Php1,000 marked money na ginamit ng pulisya.

Ang nahuling empleyado ng kapitolyo ay kabilang sa High Value Individual (HVI) sa kalakaran ng ilegal na droga.

Kaugnay nito, pina-iimbestigahan na ni Gov. Mamba ang nasabing kawani at inatas nito na sampahan ng kaukulang kaso para matanggal sa serbisyo.

Matatandaang nagkasundo ang PGC sa ilalim ng Administrasyong Mamba sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 02 para tulungan na malinis sa droga ang buong Pamahalaang Panlalawigan.

Dagdag dito, ang mga nasangkot sa droga na kawani ng Kapitolyo ay napasok na sa Pamahalaang Panlalawigan bago pa man ang administrasyon ni Gov. Mamba.

Facebook Comments