Kawani ng NFA na nahawaan ng COVID-19, gumaganda na ang kondisyon ayon sa DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa COVID-19 ang isang kawani ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, mismong si NFA Administrator Judy Carol Dansal ang nagsabi na isa sa kanilang tauhan ang may COVID-19 positive.

Pero sinabi ni Dansal na unti-unti nang nakakarekober at gumaganda na ang kondisyon ng babaeng pasyente.


Unang nakaramdam ng sintomas ang pasyente noong April 23 at dinala sa pagamutan noong April 29 ng makaramdam na siya ng hirap sa paghinga.

Nagsagawa na ng contact tracing ang ahensiya sa iba pang empleyado na nakasalamuha ng COVID-19 patient at isinailalim na rin sa disinfection process ang mga tanggapan na napuntahan nito.

Facebook Comments