KAWANI NG PGI, NAKIISA SA VOTER EDUCATION AT ACM DEMONSTRATION

Cauayan City – Nakiisa ang mga kawani ng Provincial Government of Isabela (PGI) sa Voter Education at Automated Counting Machine (ACM)
Demonstration na isinagawa ng Comelec bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.

Ipinaliwanag ni Atty. Manuel Castillo ng COMELEC Isabela ang pagkakaiba ng ACM sa dating Vote Counting Machine (VCM) dahil mas manipis ang balota ng ACM, may resibo para sa boto pero tago ang pangalan ng botante, at mas matibay ang battery life kaya hindi problema kung sakali mang magkaroon ng brownout.

Itinuro rin ng Comelec ang tamang paggamit ng ACM na ikinatuwa ng mga kawani.


Nagpasalamat si Atty. Castillo sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela dahil naging payapa ang pagsasagawa ng aktibidad.

Facebook Comments