Kawatan na tumangay ng donation box sa simbahan, arestado sa Aklan

310
Nabawi sa suspek ang kulang-kulang P5,000.

Arestado ang isang lalaki matapos umanong nakawin ang donation box na may lamang malaking halaga sa simbahan sa Kalibo, Aklan.

Ayon sa pulisya, tinangay ng kinilalang si Luther Ortega, 30, ang donasyonng nakalagay sa altar ng St. John Cathedral noong Martes ng gabi.


Umaga na ng madiskubre ng isang sakristan na wala na ang perang naipon sa loob ng isang taon.

Nadakip ang suspek nang bumalik ito sa simbahan at hinihinalang balak ulit magnakaw.

Ayon sa ulat, nabawi kay Ortega ang mga baryang kulang-kulang P5,000.

Inihahanda na ang kasong robbery na isasampa sa suspek.

Facebook Comments