Kawhi Leonard at Paul George, nabingwit ng Los Angeles Clippers!

Nagulantang ang NBA world matapos lumutang ang balitang pumayag na si NBA finals MVP Kawhi Leonard na pumirma ng kontrata sa Los Angeles Clippers.

Makakatandem niya si Paul George na lumipat din sa Clippers mula sa Oklahoma City Thunder.

Dahil dito, paborito ngayon sa mga pustahan sa Las Vegas ang Clippers na magwagi ng NBA title sa susunod na season.


Inilista ng Caesars Sportsbook ang Clippers sa 11-4 mula sa 10-1 favorites na makabulsa sa 2019-2020 NBA title.

Nahigitan ngayon ng Clippers ang karibal nilang Los Angeles Lakers, na unang kinampihan sa mga pustahan dahil sa pagkakakuha ng team kay Anthony Davis na inaasahang itatambal kay Lebron James.

Sa Westgate Las Vegas Superbook, 3-1 favorite ang Clippers at pinahaba pa sa 6-1 ang odds ng Lakers na nasa likod ng bucks sa 4-1.

Matapos namang mawala sa kanila si Leonard, laglag mula 6-1 ang Toronto Raptors sa Westgate sa 80-1 habang bumulusok din sa 100-1 ang odds ng thunder sa pag-alis sa kanila si George.

Facebook Comments