KAYANG KAYA | Agno River kaya ang volume ng tubig mula sa dam

Dagupan City – “Walang dapat ikabahala” yan ang pahayag ni Engr. Jose Estrada Jr. mula PAG-ASA Dagupan matapos matanong tungkol sa kakayaan ng Agno River na saluhin ang volume ng tubig na inilalabas ng San Roque Dam.

Ayon pa kay Estrada mas mataas ang capacity ng ilog kontra sa inilalabas ng dam.

Samantala nabanggit ni Estrada na tinatayang dalawa hanggang tatlong bagyo pa ang maaring pumasok bago matapos ang Agosto at nsa tinatayang 8 hanggang 11 pang mga bagyo ang inaasahan hanggang matapos ang taon.


Facebook Comments