KAYANG-KAYA | Pilipinas, may ibubuga sa Asian Games!

Kahit dehado sa ibang sporting events kayang-kaya pa rin umanong makipagsabayan ng mga atletang Pinoy sa kanilang mga kalaban sa darating na 2018 Asian Games sa Indonesia.

Sa isang interview, sinabi ni Philippine Athletics, Track and Field Association (PATAFA) President Philip Ella Juico na malaki naman ang naging improvement ng mga atletang Pinoy sa larangan ng sports.

Mataas din aniya ang morale ng mga Pinoy athlete at positibo silang makapag-uuwi ng karangalan sa bansa.
Kabilang sa posibleng maging matinding kalaban ng Pilipinas ang bansang China na itinuturing na ‘best nation’ sa athletics sa Asiad.


Facebook Comments