Kazuo Okada, pinaaaresto na ng Parañaque City RTC

Manila, Philippines – Ipinaaresto na ng Parañaque City Regional Trial Court ang Japanese Gaming Tycoon na si Kazuo Okada.

Ito ay para kaharapin ang mga asunto na isinampa laban sa kanya na may kinalaman sa 3-milyong dolyar na pondo ng Okada Manila Casino Resort.

Sa mandamiyento de aresto na inilabas ni Judge Rolando HOW ng branch 257 ng Paranaque Rtc, inaatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (pnp) na arestuhin at ipresinta sa hukuman si Okada pati na ang kapwa akusado nito na si Takahiro Usui.


Si Okada at Usui ay una nang kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng tatlong bilang ng estafa na may kaakibat na kaparusahan sa ilalim ng article 315 ng revised penal code.

Kabuuang P348, 000 na piyansa ng bawat isa ang itinalaga ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.

Sa hiwalay na criminal information na isinampa ng mga piskalya mula sa DOJ noong December 28, 2018 nakasaad na si Okada at usui ay nagsabwatan para lustayin ang pondo ng Okada manila sa pagitan ng November 2016 hanggang May 2017.

Sa resolusyon na inilabas noong nakaraang disyembre ni Assistant State prosecutor Ajejandro Daguiso ay nakitaan ng sapat na batayan para ihabla si Okada sa kasong estafa na nag-ugat sa reklamong isinampa ng tiger resort leisure & entertainment inc., ang may-ari ng naturang hotel resort sa Paranaque.

Kahalintulad na desisyon rin ang pinairal ng piskalya laban kay usui dahil sa pagkikipagsabwatan kay Okada.

Facebook Comments