5, sugatan sa nangyaring sunog sa QC

Manila, Philippines – Lima ang sugatan sa nangyaring sunog sa Barangay Manresa, Quezon City na nagsimula pasado alas 11:00 kagabi.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Paquito Bajatoy na umabot hanggang ika-limang alarma.

Pasado ala una na kaninang madaling araw nang ideklarang fire under control sunog.


Mahigit 100 bahay ang naabo habang 200 Pamilya ang naapektuhan nito.

Tinatayang aabot sa isang milyong piso ang danyos sa sunog.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa posibleng pinagmulan ng apoy.

Facebook Comments