“Hindi pa ito ang katapusan ng ABS-CBN.”
Ito ang pahayag ng pinuno ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) kasunod ng pagbasura ng Kamara sa aplikasyon ng broadcasting network para sa kanilang prangkisa.
Ayon kay Ruperto “Jun” Nicdao Jr., naniniwala siya na hindi nangangahulugang matatapos na ang pinakamalaking media network sa bansa kahit pa binasura ng kanilang prangkisa.
Aniya, maaaring mag-accelerate o tumaas ang pag-develop sa digital platform ng network dahil sa pagbasura sa prangkisa ng network.
Subalit, mananatili pa rin aniyang malaking kawalan sa mga manonood sa bansa ang pagpapasara sa broadcast operations ng ABS-CBN.
Facebook Comments