KC Concepcion, may bagong dine-date na non-showbiz guy

Apat na buwan na ang lumipas na kumpirmahin ni KC Concepcion ang hiwalayan ng kanyang dating kasintahan na si Aly Borromeo, na dating Azkals football player.

Ngayon ay inamin ni KC Concepcion na siya ay inspired sa isang non-showbiz guy.

“I’m inspired,” sabi ng aktres. Dagdag pa niya na boto ang kanyang pamilya sa bago nyang idini-date at nakakasundo rin daw nito ang pamilya ng kanyang special someone.


“Non-showbiz siya and mahal siya ng pamilya ko, and I think nagkakasundo kami ng pamilya niya.”

Sinabi rin ng aktres na hindi pinoy ang kanyang idini-date pero may pusong pinoy daw ito.

Hindi na nagdagdag pa ng ibang detalye ang aktres paukol dito.

Facebook Comments