Kasal muna bago baby.
Yan ang binigyan diin ng panganay ni Mega Star na si KC Concepcion sa usaping ng love life at pagpapamilya.
Kasunod na rin ito ng komento ng mga netizen na maganda ang magiging anak ni KC sa karelasyong French Filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart.
Nitong Lunes kasi nag -post si KC sa Instagram ng romantic photo nila ng boyfriend kung saan makikita na tila hinahalikan ni Pierre ang aktres.
Caption ng actress-host: “it sure does feel like February, happy valentines month, beautiful people!”
Bagamat wish ni KC na magkaroon ng baby, nilinaw nito na “wala pa naman” at gusto muna niyang ikasal bago magbuntis.
August 2018 nang magkabalikan sina KC at Pierre matapos magbreak dahil sa long distance.
Facebook Comments