KC Concepcion, sinagot ang pambabash sa kanya ng ilang netizen

Positibong sinagot ng aktres na si KC Concepcion ang pambabash sa kanya ng ilang netizen sa latest post nito sa kanyang social media account.

Nitong weekend ay nag-post kasi ang aktres ng kanyang larawan na nakamake-up at sinabihan siya ng ilang netizen na mukhang clown” at “nagpa-plastic surgery.”

Say ni KC, kailangan kasi natin ng pagbabago paminsan-minsan at tinanggap niya na laamang ito bilang compliment at nagpasalamat.


Matatandaang na-bash din ang aktres nitong mga nakaraang linggo about sa kanyang figure at features pero nasanay na lang ito dahil ganun naman talaga kapag nasa mundo ng showbiz.

Facebook Comments