Kennon Road, Bukas?!

Baguio, Philippines – Para sa pagtutuloy ng selebrasyon ng Panagbenga, pinanatiling bukas ng Agency task Group Kennon ang Kennon Road, ngayung Marso para sa lahat ng pribadong sasakyan.

Bukas ang Kennon Road sa Weekdays mula 6:00 ng hapon ng Lunes hanggang 6:00 ng umaga ng Biyernes, pero para lamang sa lane ng mga sasakyan na paakyat.

Para naman sa Weekend, bukas ang Kennon ng 6:00 ng umaga ng Biyernes hanggang 6:00 ng hapon ng Lunes sa parehong lane naman yan ng kalsada.


Pinapaalalahanan naman ng Office Civil Defense Cordillera, o OCD CAR, na obserbahin pa din ang BLOWBAGETS oBrakes, Lights, Oil, Water, Brakes, Air, Gas, Engine, Tools at Self at huwag magmadali sa biyahe.

Kung sakali naman na magkakaroon ng hindi magandang lagay ng panahon, isasara kaagad ang naturang kalsada.

iDOL, heto ang magandang balita.

Facebook Comments