Pinananagot ng Korte Suprema ang isa sa mga opisyal ng Kentex Manufacturing Corporation na si Ong King Guan dahil sa underpaid wages ng higit 70 manggagawa ng Kentex na nasawi sa sunog sa pabrika noong May 13, 2015.
Sa walong pahinang desisyon ng Supreme Court First Division na may petsang July 8, 2019, kinatigan nito ang resolusyon ng DOLE-NCR noong June 26, 2015.
Sa nasabing resolusyon ng DOLE-NCR, pinagbabayad nito ang Kentex, ang chairman at CEO nito na si Beato Ang at Chief Finance Officer na si Ong ng higit 1.4 million pesos para sa underpaid na sahod ng mga nasawing manggagawa.
Sa desisyon ng Korte Suprema, isinantabi nito ang naunang desisyon ng Court of Appeals na nagsasabing hindi dapat makasama sa mga mananagot si Ong.
Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, “final and executory” na ang resolusyon ng DOLE-NCR nang mabigo si Ong na maghain ng apela sa kalihim ng DOLE sa loob ng sampung araw na reglementary period.
Hindi rin pinaniwalaan ng korte ng merito ang argumento ng Kentex at ni Ong na sila ay napagkaitan ng due process