Peter Joemel Advincula, bumabalik pa rin sa Camp Crame kahit wala na sa PNP protective custody

Labas- pasok pa rin sa loob ng Camp Crame si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang alyas Bikoy na nasa likod ng “Ang totoong Narcolist video” kahit wala na sa protective custody ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Spokesperson  Police B/Gen. Bernard Banac,  bumabalik si Advincula sa Crame kapag may ginagawang paglilinaw ang CIDG sa kanyang affidavit.

Ngunit  paglilinaw ni Banac, walang mali dito dahil siniguro lang nila na tama ang mga nakuha nilang impormasyon para umusad ang imbestigasyon.


Noon, tinawag na sinungaling ng PNP si Advincula pero hindi kinalaunan ay sila rin ang nagsampa ng kasong inciting to sedition kay Vice President Leni Robredo at 35 na iba pa at testigo nila si Advincula.

Facebook Comments