Kerwin Espinosa, Umapela Ng Tulong Kay Pangulong Duterte

8

MANILA – Umapela ngayon si Kerwin Espinosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan siya ng pagkakataon na magbagong buhay.Sa pagharap nito sa media sa Camp Crame, tiniyak ni Espinosa na makikipagtulungan siya at isisiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay sa kalakaran ng ilegal na droga.Inamin naman ni Espinosa na natakot sa seguridad ng kanyang pamilya kaya siya umalis ng bansa.Sinabi din nito hindi siya dumaan sa backdoor para makarating ng United Arab Emirates.Ayon pa kay Kerwin, hindi siya nagparetoke ng mukha para lang magtago sa alagad ng batas.Anya, dati na niyang ipinagawa ang kanyang ilong bago pa man pumutok ang isyu sa kanya.Wala din anyang sumuporta sa kanya sa ibang bansa kung saan gamit nito ang sariling pera mula sa Pilipinas.Hindi naman rin ito nagbigay ng komento ng tanungin sa kanya kung kilala ba niya si Sen. Leila De Lima.

Facebook Comments