Pnp Chief Dela Rosa, Tiniyak Na Si Kerwin Espinosa Ang Magiging Sagot Para Matukoy Ang Iba Pang Big Fish Sa Illegal Drug

5

MANILA – Naniniwala si PNP Chief Ronald Dela Rosa na si Eastern Visayas drug lord Kerwin Espinosa ang sagot para matukoy ang iba pang nasasangkot sa malawakang drug trade sa bansa.Ayon kay Dela Rosa, maraming pangalan ng suplayer at protektor maging ang mga nakinabang ng droga ang maikukumpirma kay Kerwin.Maging aniya ang mga narco-police ay hindi rin lusot.Dagdag pa ni Dela Rosa, nakapaloob sa isasagawang affidavit ni Kerwin kung magtutugma ang kanyang mga babanggiting pangalan na sangkot sa droga sa blue book at pink book ng napatay na si Albuera Mayor Rolando Espinosa.Sa kabila ng pagiging drug lord ni Kerwin, nanindigan si Dela Rosa na napakalaki ng maitutulong ni Kerwin sa kanilang kampanya.Ipauubaya na rin ni Dela Rosa sa DOJ ang mga kasong kinakaharap ni Kerwin.Hinamon din ni General Bato ang mga may balak patayin si Kerwin.Tiniyak din ng PNP na ligtas si Kerwin sa kanilang kustodiya sa loob ng kampo krame.

Facebook Comments