Kevin Alas, binigyan ng contract extension ng NLEX Road Warrios dahil sa performance nito

Manila, Philippines – “When it rains, it pours”…

Ito ngayon ang nangyayari sa rising star na si Kevin Alas ng NLEX Road Warriors sa kasalukuyang PBA Governors Cup.

Nabatid kasi na muling ni-renew ng Road Warriors ang kontrata nito na tatagal ng tatlong taon.


Bagama’t wala nang detalyeng inilabas ang NLEX hinggil sa nasabing contract extension, ikinatuwa pa din ni Alas ang naging desisyon ng management ng kanilang koponan.

Nabatid kasi na isa si Kevin sa mga key players kung bakit nasa pangalawang pwesto sa team standing ng PBA ang NLEX na may 7 wins at 2 losses na sigurado naman nang pasok sa quarterfinals.

Samantala, kanselado naman ang schedule ng laro sa 93rd season ng NCAA Men’s Basketball na gaganapin sa San Juan Arena dahil sa bagyong Maring.

Alas-dos ng hapon sana maghaharap ang Arellano University laban sa Mapua Cardinals habang alas-kwatro din sana maglalaban ang San Sebastian College at University of Perpetual Help System Dalta.

Facebook Comments