Kevin Durant ‘nag-ober da bakod’ sa Brooklyn Nets

Image via NBA.com

Matapos maglaro sa Golden State Warriors ng tatlong season, tuluyan nang lilipat sa Brooklyn Nets si Kevin Durant.

Sa pamamagitan ng social media, kinumpirma mismo ito ng kampo ni Durant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by The Boardroom (@theboardroom) on


“Kevin Durant has confirmed he will sign a max deal with the Brooklyn Nets when the free agent moratorium period ends on July 6th”, mensahe ng The Boardroom Instagram page, sports-owned business channel ni Durant.

$164 million four-year contract deal ang nakatakdang pirmahan ng NBA Superstar sa mga susunod na araw.

Inaabangan ng publiko ang mangyayari kay Durant sa free agency season lalo na at nagtamo ng strained right calf injury ang batikang manlalaro sa Game 5 ng NBA Finals kontra Toronto Raptors.

Nangunguna ang 10-time All-star player sa lahat ng postseason scorers at nagtala ng 34.2 puntos kada laro bago pa ma-injure noong Mayo 8. Nagkamit rin ito ng pitong 30-point performances sa nakaraang playoffs.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung kailan babalik sa hard court si Durant.

Makakasama din umano ng dating Warriors power forward sa mas pinalakas na Nets sina Kyrie Irving at DeAndre Jordan.

Facebook Comments