Key policy rate ng bansa, nananatili sa 6.5%

Tulad ng inaasahan, hindi binago ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang key policy rate ng bansa na nasa 6.5%

Ito’y sa kabila ng pagbaba ng inflation rate sa 2.8% noong January 2024.

Sa pinakaunang rate-setting meeting ng BSP ngayong taon, nagpasya ang BSP Monetary Board na panatilihin ang key policy rate sa 6.5%, na pinakamataas sa loob ng 16 na taon.


Nabatid na ito na ang ikatlong beses na nahinto ang paggalaw nito simula October 2023.

Ayon sa BSP, kailangan munang panatilihing policy rate ng bansa hangga’t hindi nagtutuloy-tuloy ang downtrend sa inflation.

Dagdag pa ng Central Bank, kung mapapanatiling mataas ang mga gastos sa paghiram, magdadala ito ng demand para sa mga pangunahing item ng consumer alinsunod sa limitadong supply upang maiwasan ang mabilis na pagtaas ng mga presyo.

Facebook Comments