2 sa 3 suspek sa pamamaril sa isang doktora sa Maguindanao del Sur, sumuko na sa mga awtoridad

Sumuko na ang dalawa sa tatlong suspek sa pamamaril sa volunteer doctor na si Sharmaine Barroquillo sa Buluan, Maguindanao del Sur kamakailan.

Ayon kay Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region Director PBGen. Allan Nobleza, ang nga sumukong suspek ay pawang mga estudyante na may edad 16 at 18.

Tukoy na rin ang gunman na isa ring menor de edad na patuloy ngayong pinaghahanap ng mga awtoridad.


Robbery o pagnanakaw ang natukoy na motibo ng pulisya sa nangyaring pamamaril.

Batay sa record ng PRO-BAR, ayon kay Nobleza ang mga suspek ay sangkot sa serye ng robbery hold-up at murder.

Kasong attempted robbery at frustrated murder ang kasong kahaharapin ng mga suspek.

Samantala, patuloy naman nagpapagaling ang biktima na ngayon ay nasa stable condition na.

Facebook Comments