Patuloy pa rin ang paglago ng plant-based protein trend, maging ang mga fast food chain ay iniisip na ring maglabas ng meatless meat menu.
Kamakailan lang, inanunsyo ng Burger King ang plano ng kumpanya na maglabas ng meatless version ng Whopper ngayong taon, habang ang Ikea naman ay gumagawa ng bagong meatless meatball.
Bagama’t sinabi ni Kevin Hochman, KFC US president, na wala pang planong sumubok ng vegan altenatives ang kumpanya, may ilang major supplier na itong kinakausap para matuto pa tungkol sa plant-based meat.
“For us, it’s really about understanding how does it evolve? Is chicken as popular as it seems beef will be? Is it something that would actually delight our customers or not?” ani Hochman sa isang panayam.
Dagdag ni Hochman, tiyak na susubukan nila ito sa oras na maging mas popular ang plant-based poultry at tingin nila ay nararapat ito sa kanilang customers.
Habang mabilis na sumasakay sa trend ang ilang fast food, mayroon pa ring iba, tulad ng KFC, na maingat.
Samantala, ayon naman kay McDonald’s CEO Steve Easterbrook sa isang panayam sa CNBC, patuloy pa ring pinag-aaralan ng kumpanya ang nasabing trend.