KIAN CASE VERDICT | CHR, iginiit ang pagpapaigting ng gobyerno sa pagbibigay hustisya sa mga EJK case

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ng Commission on Human Rights sa administrasyong Duterte na paigtingin ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng Extra Judicial Killings.

Ginawa ni CHR chairperson Chito Gascon ang paghamon matapos maconvict ang mga pulis-Caloocan hinggil sa pagkakapatay sa 17- taong gulang na si Kian delos Santos noong isang taon.

Magugunita na ang CHR ang siyang umalay sa pamilya ni de los Santos hinging sa imbestigasyon sa pagkakamatay nito.


Pinasalamatan din ni Gascon lahat ng tumulong para agarang maresolba ang pagkakapatay sa Grade 11 student na napatay sa anti-drug operation sa Caloocan City noong Agosto 16, 2017.

Hinatulan ni Judge Rodolfo Azucena ang tatlong pulis na sina Police Officer 3 Arnel Oares , Police Officers 1 Jeremias Pereda, at Jerwin Cruz ng pagkabilanggo ng 20 hanaggang 40 taon sa pagkakamatay ni Kian.

Facebook Comments