KIAN DELOS SANTOS CASE | 3 pulis Caloocan na nasasangkot sa pagpatay, kakasuhan na ng DOJ

Manila, Philippines – Kakasuhan na ng Department of Justice ang tatlong pulis ng Caloocan na sangkot sa pagpatay sa teen-ager na si Kian Loyd Delos Santos noong August 16, 2017.

Si Delos Santos ay napatay ng mga pulis sa anti-illegal drugs operation sa Caloocan City

Kabilang sa mga kasong isasampa laban kina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz ay murder planting of firearm at planting of dangerous drugs.


Pinasasampahan din ng nasabing mga kaso ang police asset na si Renato Perez Loveras alyas ‘Nono’ o ‘Nonong.’

Sina Pereda at Cruz ay nahaharap din sa karagdagang kaso na violation of domicile na paglabag sa Article 128 ng Revised Penal Code.

Ibinasura naman ang reklamong torture laban sa apat na respondents.
Absuwelto naman sa kaso ang labing-tatlong iba pang mga pulis na kasama sa mga inireklamo ng mga magulang ni Delos Santos at ng National Bureau of Investigation (NBI).

Facebook Comments