Manila, Philippines – Duda si House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr., na mayroon nanamang ‘kickback’ o ‘lagay’ system sa loob ng Department IF Budget and Management o DBM.
Dahil dito, nangangamba ang kongresista na mag-aatrasan ang mga lehitimong contractor na mag-bid para sa Build, Build, Build program na mauuwi sa pagbagal ng paglago ng ekonomiya.
Pagbubunyag ni Andaya, may mga kawani ng DBM na nagsiwalat sa kanya na lumobo na sa P100 Billion ang utang o hindi nabayarang kontrata noong 2018 para sa infrastructure projects, mas mataas pa ito kumpara sa P44 Billion na payables noong Nobyembre.
Bunsod na hindi nakakapagbayad ang ahensya ay napipilitan ang DPWH contractors na kumulimbat ng kickback para sa mga natapos na imprastraktura.
May pagkakaiba rin sa release of payments sa bawat distrito mula 10% hanggang 30% na kinukuha mula sa lumpsum at ang nasusunod ay ang regional directors ng DPWH.
Dagdag pa dito, tatlong buwang hindi pinasahod ang casual employees ng DPWH habang 99% ng contractors ay hindi pa binabayaran nang buo dahil partial payments o hulugan ang ginagawa dito ni Budget Sec. Benjamin Diokno.