KIDNAP | 4 na college students, arestado matapos kidnapin ang kanilang kapwa estudyante

828

Manila, Philippines – Arestado ang apat na estudyante matapos nilang dukutin ang kapwa nila estudyante na anak ng isang negosyante sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Ferdinand Dela Vega Jr., Ralph Emmanuel Camaya, Jhulius Ata­bay; pawang mga estudyante ng Colegio De San Juan De Letran at Justine Mahipus na mula naman sa College of St. Benilde.

Patuloy namang pinag­ha­hanap ang iba pang kasab­­­wat nila na sina Eriek Candaba, Billy Rocil­lo, Miguel Austria at Kim Pascua ng Letran; Gabriel Rabi ng Far Eastern University at Arvi Velas­quez na mula naman sa Pa­rañaque Flying School.

Sa imbestigasyon, nangyari ang pagdukot ng mga suspek mula sa isang fraternity sa biktima malapit sa central station ng Light Rail Transit (LRT) sa Lawton.

Dinukot nila ang biktimang si Dhenzel Gomez at kasama nito pero natunton naman ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang safe house ng mga kidnappers kaya at naaresto ang ilang sa mga ito.

Facebook Comments